Ang
taong bisyesto (sa
Ingles:
leap year, "taon ng paglundag", "taon ng paglukso", "taon ng pag-igtad", o "taon ng pag-iktad") ay ang taon na naglalaman ng karagdagang araw o buwan upang makahabol sa pangkalendaryong taon na kasabay ng isang astronomikal o pana-panahong taon. Hindi umuulit ang eksaktong bilang ng mga
araw sa mga pangyayari sa panahon at
astronomiya, dahil dito ang isang kalendaryo na may parehong bilang ng mga araw sa bawat taon ay aanod palayo sa aktwal na pangyayari na sinusundan nito. Naitatama ito sa pamamagitan ng paminsan-minsang pagpasok (o
interkalasyon) ng isang karagdagang araw o buwan sa taon.