tapa (karne)


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Tapa (karne)
Para sa pagkaing pangmeryenda at pulutan, tingnan ang Tapas. Tingnan din ang tapa (paglilinaw).
Ang tapa o pindang ay isang popular na ulam sa Pilipinas. Kadalasaang itong mga maninipis na hiwa ng tinuyong laman ng baka ngunit maari ding itapa ang ibang karne o isda. Karaniwan ay pinapang-almusal o pang-agahan ito kasama ng sinangag na kanin. Madalas din itong kainin kasama ng itlog, na maaaring pinrito, pinaalat, o kung-ano pa, kamatis, o ng suka. Hinango ang salitang "tapa" mula sa salitang Kastila na tapas, mga pagkaing merienda na nagmula bilang panakip (tapa) ng mga inumin upang hindi langawin. Ginagawang tapa rin ang karne ng usa. Karaniwang panimpla sa paghahanda ng mga tinatapa o tinutuyong (isang proseso tinatawag ding "paggamot" sa) karne ang asin at suka.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.