Ang taksonomiya o pagtitipun-tipong pang-agham ay ang panuntunan o agham ng pag-uuri-uri o klasipikasyon ng mga organismo o bagay. Tinatawag na taksonomo o taksonomista ang mga dalubhasa o siyentipikong maalam sa larangang ito. Kaugnay nito ang mga salitang taksonomiko, taksonomika, at taksonomikal.