teklado ng kompyuter


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Tipaan (ng kompyuter)
Ang tipaan ng kompyuter, tipaang pangkompyuter, teklado ng kompyuter, o tekladong pangkompyuter ay isang mahalagang aparatong nagpapahintulot sa tagagamit ng kompyuter na makapagpasok o makapagtipa (makapagmakiniliya) ng mga panitik o karakter (mga titik at mga bilang) papunta sa loob ng isang kompyuter. Ito ang pangunahing aparatong pamasok para sa karamihan ng mga kompyuter. Sa larangan ng paggamit ng mga kompyuter, bahaging iminodelo ito sa tipaan ng makinilya, na gumagamit ng pagkakaayos ng mga pindutan o buton o "susi" upang gumanap bilang mga leber o dalawit na mekanikal o "pamihit", "pamalit", o pindutang butong elektroniko. Karaniwang mayroong mga karakter ang mga pindutang ito na nakaimpreta o nakalimbag sa ibabawa at bawat isa ay tumutugma sa isang nasusulat na simbolo. Subalit, upang makalikha ng ilang mga simbolo, nangangailangan ito ng pagpindot at ng sabayang pagdiin din sa ilang mga pindutan o "susi" o kaya magkasunod na pinipindot o diniriinan. Habang lumilikha ang karamihan sa mga susi o buton ng mga titik ng alpabeto, mga bilang, o tatak (mga panitik o karakter), may ibang mga susi o pindutang lumilikha ng mga galaw o nagsasagawa ng mga utos na pangkompyuter kapag diniinan o pinindot.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.