Ang
tektonika ng mga plato (ng
Daigdig) (
Ingles:
plate tectonics) ay isang teoriya ng
heolohiya. Pinaunlad ito upang maipaliwanag ang may malakihang sukat na mga paggalaw ng litospero ng Daigdig. Nalunsad ang teoriyang ito sa mas luma o mas matatandang mga ideya ng pag-anod o pagkiling ng kontinente at pagkalat ng ilalim ng dagat. Ang disipasyon o pagkalat ng init mula sa mantel ang orihinal na pinagmumulan ng enerhiyang nagdurulot ng tektonika ng mga platong panlupa ng mundo. Pinagtatalunan pa rin ng mga dalubhasa ang kung paano talaga ito nagaganap. Nananatiling masisiglang mga paksa ng umiiral na mga pananaliksik ang mga nagdurulot na mga puwersa sa paggalaw ng mga plato.