Ang temperatura o kaintan"' ay ang sukat ng kasidhian ng kainitan o kalamigan ng isang bagay, katulad ng mula sa katawan ng isang tao at sa lagay ng panahon. Sa kahulugang makaagham, ang temperatura ay ang pisikal na dami o kantidad na naglalarawan kung gaano kabilis gumagalaw ang mga molekula sa loob ng isang materyal o bagay.