Ang
teokrasya ay isang anyo ng organisasyon o
pamahalaan kung saan ang opisyal na patakaran ay umaayon sa doktrina o teolohiya ng isang partikular na sekta o relihiyon. Ang mga kapangyarihan o autoridad nito ay kinabibilangan ng Supreme Leader of Iran,
Dalai Lama,
papa,
pari o mga pangkat gaya ng
Taliban. Ito ay maaari ring tumukoy sa sinumang mga opisyal na nagpahayag na hinirang sila ng
Diyos upang maging pinuno. Maaari rin itong katawagan para sa nasyon o bansang nasa ilalim ng
sistemang teokrasya. Tinatawag na
teokrato o
teokratiko ang pinuno sa sistemang teokrasya o tawag din para sa taong naniniwala sa teokrasya.