teoriya ng grapo


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Teoriya ng grapo
Sa matematika at agham pangkompyuter, ang Teoriya ng grapo(Ingles: graph theory) ay ang pag-aaral ng grapo (graph): mga istruktura na ginagamit sa paggawa ng modelo ng mga relasyong pangmagkapares sa pagitan ng mga bagay na nasa isang koleksiyon. Ang grapo sa kontekstong ito ay tumutungkol sa isang koleksiyon ng mga taluktok at isang koleksiyon ng mga dulo na nagkokonekta sa pares ng taluktok. Ang grap ay puwedeng walang-direksyon (undirected) o walang patutunguhan, ibig sabihin hindi pinag-iiba ang dalawang taluktok na kaugnay ng isang dulo. Puwede rin itong maging may patutunguhan (directed), na ang ibig sabihin ay may direksiyon ang gilid nito mula sa isang vertex patungo sa isa pa. Tingnan ang grapo (matematika) para sa ibang mas detalyadong kahulugan at ibang uri ng grap na kadalasang pinag-aaralan. Hindi dapat ipagkamali ang mga grap na pinag-aaralan sa teoriyang grapo sa mga pampunksyong grapo o mga grapo na may-tungkulin (graphs of functions) at iba pang klase ng grap.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.