Sa
mitolohiyang Griyego, si
Terpsichore (; Τερψιχόρη na may ibig sabihing "katuwaan sa pagsasayaw"), na binabaybay din bilang
Terpsicore o
Terpsicores, ay isa sa siyam na mga
Musa, na pinuno ng
sayaw at ng dramatikong koro. Ipinahiram niya ang kaniyang pangalan sa salitang
terpsikoreano (Ingles: ) na may kahulugang "ng o ukol sa sayaw". Karaniwan siyang inilalarawan bilang nakaupo, na mayroong tangan na
lira, habang sinasaliwan ng kaniyang tugtugin ang mga koro ng mga mananayaw. Paminsan-minsan, ayon kay Achelous, sinasabing siya ang ina ng mga Sirena. Nagmula ang kaniyang pangalan sa mga
salitang Griyegong τέρπω ("katuwaan") at χoρός ("sayaw").