Ang mga
itlog ng bayag (Ingles:
testicle; mula sa
Latin na
testiculus, diminutibo ng
testis, na nangangahulugang "saksi" ng
birilidad,; ang
testis ay pang-isahan, na nagiging
testes kung maramihan) ay ang panlalaking
gonad sa mga
hayop. Katulad ng mga
obaryo (katumbas ang obaryo ng babae ng itlog ng bayag ng lalaki), ang mga itlog ng
bayag ay komponente ng
sistemang reproduktibo at ng
sistemang endokrino. Ang pangunahing mga tungkulin ng itlog ng bayag ay ang gumawa ng mga
esperma (espermatohenesis) at gumawa ng mga androheno, pangunahin na ang testosteron. Ang mga tungkuling ito ay may kaugnayan sa pagkagustong makipagtalik.