Ang
Ilog Tamesis (binibigkas tulad sa
Espanyol na
Támesis), o ang
Ilog Thames , ay isang pangunahing
ilog na dumadaloy sa katimugang bahagi ng
Inglatera. Ito ay ang pangalawang pinakamahabang ilog sa
Nagkakaisang Kaharian, at ang pinakamahabang ilog sa loob mismo ng Inglatera. Kilala ito bilang ilog na naghahati sa
Londres, ngunit ilan ding mga ibang bayan at lungsod ang dinadaanan ng ilog, tulad ng
Oxford. May habang 346 kilometro (215 milya) ang ilog mula sa pinagmulan nito sa may Thames Head sa Gloucestershire hanggang sa dulo nito sa Wawa ng Tamesis sa
Dagat Hilaga.