A
kurbata (Ingles:
necktie o
tie) ay isang bahagi ng
damit na isinusuot ng mga
lalaki. Bahagi ito ng pangkat ng magkakaugnay na mga kasuotang tinatawag na terno, partikular na ang Amerikana. Karaniwang isinusuot ito ng mga kalalakihan sa mga bansang Kanluranin para sa kanilang mga propesyunal na hanapbuhay katulad ng negosyo, batas, at pulitika. Malimit na gawa sa
sutla o
polyester ang kurbata, o iba pang mga uri ng tela, at kadalasang mayroong kulay o padron ng disenyo. Nakadaragdag sa pagiging pormal ng kasuotan terno o Amerikana ang pagsusuot ng kurbata. Bilang pamugong o "laso" na pangleeg ng lalaki, ipinapaligid ito sa kuwelyo ng polong panglalaki at ibinubuhol sa may harapan.