Ang
ahedres (
Chess sa Ingles) ay isang nakalilibang at labanang
laro para sa dalawang manlalaro. Kung minsang tinatawag na
kanluraning ahedres o
pandaigdigang ahedres upang maipagkaiba ito mula sa mga naunang uri o ibang kahalintulad (baryasyon) ng larong ahedres. Lumitaw ang pangkasalukuyang porma ng laro mula sa Katimugang
Europa noong pangalawang-kalahati ng ika-15 siglo matapos na mahubog mula sa katulad at may matandang mga laro na may simulain sa
India.