Ang
tigre (
Panthera tigris) na isang
mamalya sa subpamilyang
Pantherinae ng pamilyang
Felidae, ang pinakamalaki sa apat na "malalaking pusa" sa genus na
Panthera. Likas sa silangan at katimugang
Asya, umaabot ang tigre sa 4 na metro (13 talampakan) ang haba at aabot sa bigat na hanggang 300 kg (660 libras). Maihahambing ang mga tigre sa mga malalaking
felids na wala na sa ngayon. Maliban sa kanilang lakas at laki, isa sa mga kilalang katangian nila ang maitim na guhit na nakapatong sa halos puti hanggang mapupula-pulang-kahel na balahibo, kasama ang mas maliwanag na bahagi sa ilalim.