Ang
Thule, na binabaybay din bilang
Tile,
Thula,
Thila, o
Thyïlea sa klasikal na panitikan at mga
mapang nagmula sa
Europa, ay ang pangalan ng pulo na natuklasan ni
Pytheas, isang eksplorador mula sa
sinaunang Gresya, noong ika-4 na BC. Iniulat ni Pytheas na ang pulong ito ay nasa hilaga ng
Britanya, kaya't pinaniniwalaang marahil ang Thule ay ang
Iceland o kaya ay ang
Kapuluang Shetland o kaya naman ay ang
Kapuluang Faroe o kaya ay ang mga dalampasigan ng
Norway. Sa kasalukuyan, mayroong isang nayon sa hilaga ng
Greenland na tinatawag bilang Thule, na nakikilala rin bilang Qaanaaq.