Ang
relatibong masang atomiko,
kaugnay na masang atomiko,
kaukol na masang atomiko,
nauukol na masang atomiko,
hilagyong masang atomiko, o
hinlog na masang atomiko, na nakikilala rin bilang
timbang na atomiko o
bigat na atomiko (Ingles:
relative atomic mass o
atomic weight), na mayroong sagisag na
A) ay isang dami o kantidad na pisikal na walang dimensiyon, ang
ratio o tumbasan ng karaniwang
masa ng mga
atomo ng isang
elemento (na nagmumula sa isang ibinigay na pinanggalingan) hanggang sa kalahati ng masa ng isang atomo ng karbon-12 (na nakikilala bilang yunit ng pinag-isang masang atomiko). Ang kataga ay pangkaraniwang ginagamit, na hindi kailangan ang dagdag na kuwalipikasyon (pagkamarapat o katangian), upang tukuyin ang
pamantayang timbang na pang-atomo (mga
standard atomic weight) na inilalathala nang may pagitan o agwat na regular ng International Union of Pure and Applied Chemistry (IUPAC) at nilalayon na maging mailalapat sa normal na mga materyal na panglaboratoryo. Ang mga pamantayang timbang na pang-atomong ito ay muling inilathala sa isang malawak na kasamu't sarian ng mga
aklat na pampaaralan, mga katalogong pangkomersiyo, mga talangguhit na pandinding, at sa talahanayang peryodiko na makikita sa ibaba.