Ang
tinapa o
tapa ay isang
isdang pinausukan at kinakain. Tinatawag na
pagtatapa ang pamamaraan sa paggawa ng
tapang isda, kung saan naglalagay din ng mga
pampalasa. Isang uri ito ng
pagluluto o pagiimbak para mapanatili ang kasariwaan ng isda habang hindi pa kinakain. Idinadarang ang mga isda sa mga usok na nagmumula sa mga nasusunog na mga
kahoy o ibang bahagi ng
halaman. Pangkaraniwang tinatapa ang mga isda at
karne, bagaman maaari ding pausukan ang mga
keso,
gulay, at mga sahog ng mga
inumin tulad ng whisky, Rauchbier, at
tsaang lapsang souchong.