tinig


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Tinig
Ang tinig o boses ng tao ay binubuo ng tunog na gawa ng isang tao na ginagamit ang mga tuping pantinig o luping pamboses para sa pagsasalita o pakikipag-usap, pag-awit o pagkanta, pagtawa o paghalakhak, pag-iyak, pagsigaw o paghiyaw, at iba pa. Tiyakan itong bahagi ng paggawa o produksyon ng tunog mula sa tao kung saan ang mga tuping pamboses o luping pantinig (kuwerdas na pantinig o kuwerdas na pamboses) ay ang pangunahing pinagmumulan ng tunog. Sa pangkalahatan, ang mekanismo sa paggawa ng tinig ng tao ay mahahati-hati sa tatlong mga bahagi; ang mga baga, mga tuping pantinig sa loob ng babagtingan, at ang mga artikulador o pang-artikula. Ang mga baga (pambomba) ay dapat na makagawa ng sapat na daloy ng hangin at presyon ng hangin upang tumunog o kumalog ang mga luping pantinig (ang presyong ito ng hangin ay ang panggatong ng tinig). Ang mga kuwerdas ng boses o mga tupi ng tinig ay isang balbulang nagpapakalog na nagtatadtad o nagtitilad ng daloy ng hangin mula sa mga baga upang maging mga naririnig na pulsong humuhubog sa pinagmumulang tunog sa babagtingan. Ang mga masel ng babagtingan ang nag-aayos ng haba at tensyon ng mga luping panting upang mapino ang tono at ang kasagsagan o kasidhian. Ang mga artikulador (mga bahagi ng bungkos na pantinig na nasa ibabaw o itaas ng babagtingan na binubuo ng dila, malambot na ngala-ngala, mga pisngi, mga labi, at iba pa) ang nag-aartikula at nagsasala ng tunog na nagmumula sa babagtingan at sa ilang antas ay maaaring makipag-ugnayan sa daloy ng hangin sa babagtingan upang mapalakas ito at mapahina ito bilang pinagbubuhatan o pinanggagalingan ng tunog.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.