Ang
tipaan ng kompyuter,
tipaang pangkompyuter,
teklado ng kompyuter, o
tekladong pangkompyuter ay isang mahalagang aparatong nagpapahintulot sa tagagamit ng
kompyuter na makapagpasok o makapagtipa (makapagmakiniliya) ng mga panitik o karakter (mga titik at mga bilang) papunta sa loob ng isang kompyuter. Ito ang pangunahing aparatong pamasok para sa karamihan ng mga kompyuter. Sa larangan ng paggamit ng mga kompyuter, bahaging iminodelo ito sa tipaan ng makinilya, na gumagamit ng pagkakaayos ng mga pindutan o buton o "susi" upang gumanap bilang mga
leber o
dalawit na mekanikal o "pamihit", "pamalit", o pindutang butong elektroniko. Karaniwang mayroong mga karakter ang mga pindutang ito na nakaimpreta o nakalimbag sa ibabawa at bawat isa ay tumutugma sa isang nasusulat na simbolo. Subalit, upang makalikha ng ilang mga simbolo, nangangailangan ito ng pagpindot at ng sabayang pagdiin din sa ilang mga pindutan o "susi" o kaya magkasunod na pinipindot o diniriinan. Habang lumilikha ang karamihan sa mga susi o buton ng mga
titik ng
alpabeto, mga
bilang, o
tatak (mga panitik o karakter), may ibang mga susi o pindutang lumilikha ng mga galaw o nagsasagawa ng mga utos na pangkompyuter kapag diniinan o pinindot.