Ang mga
tipaklong (
Ingles:
grasshopper,
locust) ay mga
kulisap na kumakain ng mga halaman o bahagi ng halaman na nasa subordeng
Caelifera sa orden ng mga Orthoptera. Kakaiba sila sa mga
kuliglig. Tinatawag ding
balang at
lukton ang mga tipaklong, bagaman mas tumutukoy ang
lukton sa mga batang tipaklong. Sa
Bibliya, partikular na sa
Aklat ni Joel (Joel 1:4), mayroong katagang patungkol sa mga tipaklong at nagsasaad ng ganito: "Ang iniwan ng
tipaklong ay kinain ng mga
balang, ang iniwan ng
balang ay kinain ng
uod, (at) ang iniwan (naman) ng
uod ay kinain ng
kamaksi." Ayon sa paliwanag ni Jose C. Abriol, isang tagapagsalin ng Bibliyang Tagalog, maaaring tumutukoy ang "katagang ito sa
apat na uri ng balang o ang iba't ibang anyo ng balang." Binanggit pa ni Abriol ang mga katumbas ng mga salitang ito sa
Hebreo:
garam (tipaklong),
arbe (balang),
jelec (
uod), at
jasil (kamaksi). Sa Bibliya pa rin, partikular na sa
Marcos 1:6 at
Pahayag (o Rebelasyon) 9: 3-4, nilarawan ang mga tipaklong bilang
salot o maninira ng mga pananim.