Ang
titik o
letra ay isang elemento ng sistemang
alpabeto ng pagsulat, gaya ng
Alpabetong Griyego at ang mga sumunod dito. Ang bawat titik sa isang sinusulat na wika ay kadalasang may kaakibat na isang
tunog o
ponema sa sinasalitang wika. Ang mga sinusulat na simbolo sa sinaunang mga sulat ay tinatawag na silabograma (na hinango sa salitang
syllable ) o logogram (na nangangahulugan na salita o parirala.