Ang isang
tiyangge (Kastila sa Mehiko:
tianguis o "araw ng pamilihan") ay isang panlabas na
pamilihan o basar o almasen ng sari-saring mga bagay na nakaugaliang ginaganap sa partikular na mga araw ng pamimili o pagbibili (pagbebenta) sa isang pook o pamayanan ng isang
bayan o
lungsod. Kabilang sa mga bansang pinangyayarihan ng mga tiyangge ay ang
Pilipinas at
Mehiko, ngunit nagaganap din ito sa ilang mga bansa na nasa
Gitnang Amerika. Ang ganitong tradisyon ng pagkakaroon ng mga basar ay mayroong mga pinag-ugatan mula sa kapanahunang prehispaniko at nagpapatuloy, sa maraming mga pagkakataon, na sadyang walang pinagbago kahit na sa kasalukuyan. Ang salitang "tianguis" ay nagmula sa Nahuatl, ang wika ng
Imperyong Aztec. Sa mga pook na
rural, maraming makatradisyong mga uri ng mga kalakal ang ipinagbibili pa rin, katulad ng mga kagamitan at mga produktong pang-agrikultura, pati na mga kalakal na moderno at ginagawa nang maramihan o pambenta. Sa mga lungsod, ang karamihang mga kalakal na maraming kung likhain ang mga ipinagbibili, subalit ang paghahanda at pagganap ng mga tiyangge ay halos magkakatulad. Mayroon ding mga tiyangge ng mga espesyalidad na ginaganap tuwing mga kapistahan, katulad ng tuwing
Pasko, pati na para sa partikular na mga uri ng mga bagay, kagaya na ng mga
kotse o mga produkto ng
sining.