tiyo


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Tiyo
Ang tiyo o tiyuhin (Ingles: uncle, Latin: avunculus o "maliit na lolo" at kaugnay ng avus o "lolo") ay isang katawagan ng isang pamangkin para sa kapatid na lalaki ng isang magulang o para sa asawa ng isang kapatid na babae ng isang magulang. Katumbas ito ng tiya, kung babae. Ginagamit din itong pamagat ng paggalang o taguring may paggalang ng mga bata para sa mga nakatatanda o matatanda, halimbawa na bilang pangtawag sa mas nakatatandang mga pinsan, mga kapitbahay, mga kaibigan, o maging para sa mga hindi nakikilalang mga tao. Isa rin itong katawagang pangkarangalang ibinibigay sa ibang tao. Katumbas ito ng amain, kaka, tito, o mama (hindi ang ina)., bagaman ginagamit din ang kaka bilang pantawag para sa panganay na kapatid na lalaki o babae (para sa kuya o sa ate). Ngunit bilang panturing sa tiyo o tiya, karaniwang ginagamit ang kaka para tawagin o tukuyin ang isang panganay na tiyo o tiya. Maaari rin itong maging panawag para sa isang taong tagapayo.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.