toad


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Karag
Ang karag (Ingles: toad, Kastila: ) ay tumutukoy sa isang bilang ng mga uri ng mga ampibyanong nasa orden ng Anura. May pagkakaibang ginagawa sa pagitan ng mga palaka at mga karag sa pamamagitan ng kanilang anyo, na inudyok ng pagpunta ng mga karag sa tuyong mga kapaligiran o tirahan. Marami sa mga karag ang may parang katad na balat para sa mas mainam na pagpapanatili ng tubig sa kanilang katawan, at kulay na kayumanggi para sa kakayahang magtago o magkubli. Mahilig din silang maghukay o maglungga para ibaon o ikubli ang sarili. Subalit hindi maaasahan na indikasyong sukatan ng mga ninuno nito ang mga adaptasyon o katangiang ito, dahil sinasalamin lamang ng taksonomiya ang ugnayang pang-ebolusyon o ng kanilang pag-unlad bilang hayop. Walang halaga ang anumang kaibahan sa pagitan ng mga palaka at mga karag sa kanilang klasipikasyon.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.