Ang
Tabako ay isang
agrikultural na produkto na hinahango mula sa mga sariwang
dahon ng mga halaman na napapabilang sa saring
Nicotiana. Maari itong kainin, gamitin bilang organikong pamuksa ng peste at bilang sangkap sa gamot kung gagamitin sa pormang
nicotine tartrate. Ang pagkonsumo nito ay sa pamamagitan ng In consumption it may be in the form of paninigarilyo, pagnguya, pag-snuff, Pagsawsaw ng Tabako, o snus. Ang tabako ay matagal nang ginagamit na
entheogen sa mga Amerika. Subalit sa pagdating ng mga
taga-Europa sa Hilagang Amerika, ito ay naging gamit pangkalakal at panlibang na gamot. Ang pagsikat nito ay ang nagpaunlad ng ekonomiya ng katimugang bahagi ng
Estados Unidos bago ito napalitan ng bulak. Pagkatapos ng
Amerikanong Digmaang Sibil, ang mga pagbabago sa mga pangagailangan at mga trabahador ay naging mainam sa paggawa ng
sigarilyo. Ang produktong ito ay ang nagpaunlad sa mga kompanya ng tabako hanggang sa mga pang-agham na kontrobersiya noong kalagitnaan ng 1900 na siglo.