Ang mga
daliri sa paa o mga
daliri ng paa ay mga bahagi ng katawan ng mga hayop na tinatawag na
tetrapod, na kabilang ang
tao. Ang mga espesye ng
hayop na katulad ng mga
pusa na naglalakad sa pamamagitan ng kanilang mga daliri sa paa ay inilalarawan bilang
dihitigrado. Ang mga
tao, at iba pang mga hayop, na naglalakad sa pamamagitan ng mga
talampakan ng kanilang mga paa, ay inilalarawan bilang mga
plantigrado. Ang mga
ungguligrado naman ay ang mga hayop na naglalakad sa pamamagitan ng kanilang mga kuko (mga
hoof), partikular na ang sa mga dulo ng kanilang mga hinlalaking pampaa. Ang mga hinlalaki ng paa, magmula sa midyal (panggitna) papuntang lateral (panggilid), ay ang mga sumusunod:
- Hallux ("malaking daliri ng paa"), ang pinaka panloob na daliri ng paa at ang pinaka malapit sa mga daliri ng kabilang paa
- Pangalawang daliri ng paa o ang "mahabang daliri ng paa"
- Pangatlong daliri ng paa, o "panggitnang daliri ng paa"
- Pang-apat na daliri ng paa, or "palansinsingang daliri ng paa"
- Panlimang daliri ng paa ("maliit na daliri ng paa" o "sanggol na daliri ng paa"), ang pinaka panlabas at pinaka malayong daliri ng paa (mula sa gitna ng katawan)