Ang
sistemang panghipo,
sistemang somatosensoryo, o
sistemang somatosensoryal (Ingles:
somatosensory system) ay isang
sistemang pandama na nakakadetekta, nakadarama, o nakapapansin ng mga karanasang tinuturing na paghipo o presyon,
temperatura (mainit o malamig),
hapdi (kabilang ang kati at
kiliti) at iyong mga kabilang sa propriosepsiyon. Mga sensasyon ito ng kilos o galaw ng mga
masel at posisyon ng
hugpungan kabilang ang tikas, galaw o kilos, damdaming biseral (internal o panloob) at ekspresyon ng mukha. May kaugnayan ang pandamdam na biseral sa mga kabatiran o impormasyong sensoryong nagmumula sa loob ng katawan, katulad ng sakit ng tiyan.