Ang
kaugaliang sali't saling sabi o
kaugaliang pabigkas ay isang paraan ng paglilipat o paghahatid ng
kasaysayan,
panitikan, o
batas magmula sa isang salinlahi papunta sa kasunod na salinlahi sa loob ng isang
kabihasnan na walang ginagamit na sistema ng pagsusulat, bagkus ay sa pamamagitan lamang ng pagbigkas, pagsambit, pagsasabi sa pamamagitan ng bukambibig, o pabigkas na pagkukuwento, paglalahad, o pagsasalaysay at pag-uusap. Isang halimbawa ng pinagsamang katangian ng pasabi o pabanggit na
panitikan at sinasabing
kasaysayan, bago pa man ito naisulat, ay ang
panulaang Homeriko ng
Iliada at ng
Odisea.