- Huwag itong ikalito sa impluwensiya.
Ang
trangkaso,
impluensa,
impluwensa, o
gripe (
Ingles:
influenza,
flu,
grippe;
Kastila:
trancazo) ay isang uri ng karamdamang nakakahawa na may sintomas na
lagnat,
ubo, at
sipon. Ang trangkaso ay isang uri ng pangkaraniwang sakit. Isa itong uring sakit na pana-panahon o nauuso ang paglitaw, na biglaan ang pagdating, partikular na tuwing panahon ng tag-ulan o taglamig. Bagaman nawawala nang kusa ang trangkaso, isa rin itong sakit na katindihan at paglala, at maaaring makapagdulot ng kamatayan.