Ang
tren ay isang sunud-sunod o serye ng mga sasakyan o "
kotse" ng dumaraan sa ibabaw ng isang
riles (permanenteng daanan). Maaaring gamitin ito para sa pagdadala ng mga tao at mga bagay o mabubuting mga daladalahin. Tinatawag na estasyon ng tren ang lugar na pinaghihintuan ng tren upang makasakay o makababa ang mga tao. Hinahatak ng lokomotibo ang mga kotse ng tren habang nasa kahabaan ng riles.