Ang
tribo o
tribu ay pangkasaysayan o pangkaunlarang tinataw bilang isang pangkat na panlipunan na umiiral bago pa man ang pag-unlad ng, o nasa labas ng, estado. Maraming mga
antropologo ang gumagamit sa katagang "lipunang makatribo" o "lipunang matribo", na nakikilala sa Ingles bilang
tribal society, upang tukuyin ang mga lipunang naiayos nang malakihan batay sa
pagkakamag-anak (pagiging magkakamag-anak), natatangi na ang mga pangkat ng samahan ng mga
angkan o mga
kanunu-nunuan. Binibigyan ng kahulugan ng tradisyunal na henealohiya ang mga tribo bilang mga pangkat na mayroong karaniwang ugnayan sa "dugo" (mga kadugo o mga kapamilya).