Ang isang tripleng diyos (minsang tinutukoy na makatatlo, triniple, tinatlo, pinagtatlo, triplikado, tripartido, triune, triadiko o bilang trinidad) ay isang diyos na nauugnay sa bilang na tatlo. Ang gayong mga diyos ay karaniwan sa buong daigdig ng mitolohiya. Itinuring ni Carl Jung ang pagkakaayos ng mga diyos sa triplet bilang arketipo sa kasaysayan ng relihiyon.