Ang
tuberkulosis, o
tuberculosis sa Ingles na pagbabaybay (pinaikling
tubercle bacillus), ay isang pangkaraniwan, at sa karamihang kaso ay nakamamataay, ay isang nakakahawang sakit na dulot ng iba't ibang uri ng
mycobacteria, kadalasan ng
Mycobacterium tuberculosis. Kilala rin ito sa tawag na
tuyo,
sakit na tuyo,
pagkatuyo,
sakit na pagkatuyo,
T.B. o
tisis. Kadalasang inaatake ng tuberkulosis ang
baga, subalit maaari rin ang ibang bahagi ng katawan. Naipapakalat ito sa pamamagitan ng hangin kapag ang tao na may aktibong impeksyong TB ay umubo, bumahing, o kaya naman ay maipasa ang mga likido mula sa paghinga papunta sa hangin. Karamihan sa impeksyon ay hindi kinakikitaan ng sintomas, subalit isa sa sampung impeksyon ay lalaon na uusad sa pagiging ganap na sakit, kung hahayaang hindi magamot, ay nakamamatay ng mahigit sa 50% ng mga naimpeksyon.