Ang
tubo /tu·bó/ ay isang genus ng 6 hanggang 37 mga specie (depende sa interpretasyong taksonomiya) ng mga matataas na
damo (pamilya Poaceae, tribo Andropogoneae), likas sa maiinit na lugar sa rehiyong tropikal ng
Lumang Mundo. Ang mga ito ay matataba, maraming fiber ang tangkay, sa taas na 2 hanggang 6 na metro, at mayaman ang
dagta nito sa
asukal.