Ang
tugtuging klasiko ay isang napaka pangkalahatang kataga na pantukoy sa pamantayang
tugtugin ng mga bansa sa Kanluraning mundo. Isa itong
musikang nilikha o kinumposisyon ng mga
musikero na sinanay sa sining ng pagsusulat ng musika (
kumposisyon) at isinulat sa
notasyong pangtugtugin upang matugtog ng iba pang mga
manunugtog. Maaari ring ilarawan ang
musikang klasiko bilang isang
musika ng sining o
tugtugin ng sining dahil ang dakilang sining (kasanayan) ay talagang kailangan upang malikha ito at matugtog ito ng mabuti. Kaiba ang klasikong musika mula sa musikang popular dahil hindi lang ito basta ginawa upang maging tanyag sa loob ng maikling panahon o maging isang tagumpay na pangkomersiyo. Naiiba ito mula sa
tugtuging bayan (
folk music sa Ingles) na pangkalahatang ginagawa ng pangkaraniwang mga kasapi ng lipunan at natutunan ng panghinaharap na mga salinlahi sa pamamagitan ng
pakikinig at paggaya.