tumbaga


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Tanso
Ang tanso, kobre, o tumbaga (, Ingles: copper) ay isang elementong kimikal. Mayroon itong atomikong bilang na 29 at may simbolong Cu (mula sa salitang cuprum ng Latin). Kabilang din sa pag-aaring katangian nito ang pagkakaroon ng atomikong timbang na 63.54, punto ng pagkatunaw na 1,083 °C, punto ng pagkulong 2,595 °C, espesipikong grabidad na 8.96, at balensyang 1 at 2. Isa itong malambot at madaling mahubog na kulay kapeng metal, at isa ring magandang konduktor ng kuryente. Ginagamit ito sa paggawa ng mga kawad ng kuryente, sa mga tubo ng tubig, at hindi kinakalawang na mga piyesa ng makinarya, partikular na kapag hinalo sa ibang mga metal upang maging bronse.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.