Ang
tumbong (
Ingles:
rectum, mula sa
Latin:
rectum intestinum, o "tuwid na bituka") ay ang pinakahuling tuwid na bahagi ng
malaking bituka sa ilang mga
mamalya, at ang
pitak gastrointestinal sa iba, na nagtatapos sa
butas ng puwit. May habang mahigit-kumulang sa 12 cm ang tumbong ng tao. Sa simula nito, ang kalibre o itsura ng bilog nito ay may pagkakahalintulad sa kalibre ng sigmoid colon, ngunit bumubuka ito sa bahaging malapit sa katapusan kung saan nabubuo ang rectal ampulla.