Ang
domestikong tupa,
domestikong kordero,
domestikong karnero o
Ovis aries (
Ingles:
Sheep) ay ang pinakakaraniwang espesye sa
henerong tupa o
Ovis. Mayroon itong mabalahibong katawan, mga kuko (o mga
hoof sa Ingles) at apat na paa (o
quadruped sa Ingles) na nagmula marahil sa mabangis na urial ng gitnang-timog at timog-kanlurang
Asya. Karaniwang tumutukoy ang
kordero sa isang
batang tupa, samantalang ang
karnero ay para sa malaki nang tupa o nasa hustong gulang na.