Ang ube o ubi (Ingles: purple yam) ay isang uri ng halamang-ugat na inaani mula sa ilalim ng lupa. Kulay lila ang matamis na halamang-ugat na ito na karaniwang ginagamit sa paghahalaya. Dahil sa kulay nito, natatawag ding kulay-ubi ang kulay na lila.