Ang
ugnayang pandaigdig,
ugnayang pandaigdigan, o
relasyong internasyunal (Ingles:
international relations) ay isang sangay ng
agham pampulitika. Kinakatawan nito ang pag-aaral ng
ugnayang panlabas at mga paksang
global sa piling ng mga
estado na nasa loob ng
sistemang pandaigdig o
sistemang internasyunal, kabilang ang mga gampanin ng mga estado, samahang pandaigdig (organisasyong internasyunal), samahang hindi pampahalaan (organisasyong hindi panggobyerno), at mga korporasyong multinasyunal. Mas tiyak na tumutukoy ang
ugnayang panlabas (Ingles:
foreign affairs) sa mga bagay-bagay o mga paksang nasa labas ng isang bansa na kinasasangkutan ng bansa, katulad ng mga ugnayan sa ibang bansa, o kaya mga bagay na hindi kinasasangkutan ng isang bansa.