Ang
ulam,
putahe o
potahe ay tawag sa mga
pagkain na isinasama sa
kanin kapag kinakain. Sa bansang tulad ng
Pilipinas, ang ulam ay isang intigral na parte ng hapagkainan. Ang pinakamalapit na tawag sa ulam sa wikang Ingles ay
viand. Samantala ang
putahe ay katumbas din ng salitang Ingles na
cuisine, na nagmula sa
Pranses na
cuisine o "
pagluluto", "sining ng pagluluto" o "kulinaryong sining", "
kusina"; na nagmula naman sa
Lating
coquere, "magluto". Sa mas tiyak na kahulugan, isang ispesipiko o partikular na pangkat ng mga nakaugalian o mga tradisyon at pagsasagawa sa pagluluto, na karaniwang kaugnay ng isang partikular na
kultura o kalinangan. Karaniwang pinapangalan ang ulam o putahe mula sa rehiyon o pook kung saan umiiral ang nasabing kalinangan. Pangunahin naiimpluwensiyahan ang putahe ng mga ingridyente o mga sangkap na makukuha sa lugar o sa pamamagitan ng pakikipagkalakal. Nakakaimpluho rin ng malakas ang mga pampananampalatayang mga batas sa mga putahe.