Ang
uling ay
maitim na latak na binubuo ng hindi dalisay na
karbon na nakukuha sa pamamagitan ng pagtanggal ng
tubig at ibang madaling matuyong sangkap na mula sa
hayop o
halaman. Kadalasang ginagawa ang uling sa pamamagitan ng mabagal na pirolisis, pag-init ng
kahoy,
asukal,
butong uling o ibang materyal na walang
oksiheno. Kawangis ng batong
karbon ang kinalabasang malambot, malutong, magaang, maitim, buhaghag na materyal at mayroon itong 85% hanggang 95% ng
elementong kimikal na karbon kasama ang natitirang mga madaling matuyong kimikal at
abo.