Sa larangan ng
anatomiya, ang
ulo o
kukote ng isang
hayop ay ang bahagi ng katawan na karaniwang binubuo ng
utak, mga
mata, mga
tainga,
ilong, at
bibig (nakatutulong ang lahat ng mga ito sa iba't ibang gamit na pandama, katulad ng
paningin, pandinig, pangamoy, at
panglasa). Mayroon namang ibang payak na mga hayop na walang ulo subalit mayroong mga hayop na simetriko o pantay ang hugis sa magkabilang panig ng katawan.