Ang liwanag na
ultrabiyoleta o
ultralila (Ingles:
ultraviolet, pinapaiksi bilang
UV) ay isang
radyasyong elektromagnetiko na may liboyhabang mas maiksi kaysa sa
nakikitang liwanag, subalit hindi mas mahaba kaysa sa mga
rayos ekis, na nasa sakop na 10 nm hanggang 400 nm, at mga enerhiya mula 3 eV hanggang 124 eV. Pinangalanan itong ultrabiyoleta dahil ang
ispektrum ay binubuo ng mga along elektromagnetiko na may mga prekwensyang mas mataas kaysa sa mga nakikilala ng mga tao bilang kulay na
lila.