Ang
bansang umuunlad, na tinatawag ding
bansang hindi gaanong maunlad o
bansang bahagya ang pag-unlad, ay isang bansang may mababang antas ng dami ng mga bagay na pangkapakanan. Dahil sa walang nag-iisang kahulugan ng katagang
bansang umuunlad o
bansang paunlad na pandaigdigang kinikilala, ang mga antas ng
kaunlaran ay maaaring magpaiba-iba o magpabagu-bago nang malawakan sa loob ng tinatawag na mga bansang umuunlad. Ilan sa umuunlad na mga bansa ang may mataas ngunit pangkaraniwang pamantayan ng pamumuhay.