Ang kili-kili o kilikili (Ingles: armpit, underarm, o oxter) ay isang bahagi sa katawan ng tao na tuwirang nakapailalim sa hugpungan kung saan kumakabit ang braso sa balikat. Axilla at fossa axillaris ang katawagang Latin para sa kili-kili, at maschale naman sa Griyego.