Ang ungguwento (Ingles: ointment, unguent) ay isang uri ng gamot o medikamenteng pamahid sa at panghimas ng balat. Hindi katulad ng krema, naglalaman lamang ang ungguwento ng mga taba o mga langis, at wala itong tubig. Hindi rin ito sumasanib sa balat ng tao, sa halip lumilikha ito ng nakahiwalay na sapin sa ibabaw ng balat.