Ang
uranyo o
uranyum (,
Ingles:
uranium, may sagisag na
U, atomikong bilang na 92, atomikong timbang na 238.03, punto ng pagkatunaw na 1,132 °C, punto ng pagkulong 3,818 °C, espesipikong grabidad na 18.95, mga
balensyang 3, 4, 5, at 6). Isa itong elementong mabigat, parang
pilak ang kaputian, likas na radyoaktibo at parang
metal, na madaling sumailalim sa oksidasyon, at nakakalason. Mayroon itong 14 na kilalang mga
isotopo, kung saan ang U 238 ang siyang likas na pinakamalaganap. Kabilang ang uranyo sa mga serye ng
aktinido at ginagamit ang kanyang isotopong
235U bilang panggatong na nukleyar, mga panggatong sa mga nukleyar reaktor, at bilang mahalagang sangkap ng mga
sandatang nukleyar. Karaniwang matatagpuan ang uranyo sa maliit na bahagi sa mga bato,
tubig,
lupa, mga
halaman, at mga
hayop (kabilang ang mga
tao). Natuklasan ito ni Martin Heinrich Klaproth noong
1789.