Sa
anatomiya ng
tao, ang mga
ureter, mga
yuriter o mga
yureter ay ang mga tubong yari sa hibla o tisyu ng makikinis na mga masel na nagtutulak ng ihi magmula sa mga
bato papunta sa
pantog na pang-ihi. Sa isang taong nasa hustong gulang na, ang mga ureter ay karaniwang 25–30 sentimetro (10–12 mga pulgada) ang haba at ~3-4 mm ang diyametro.