Ang
bahay-bata,
sinapupunan,
matris, o
utero ay ang bahagi ng
katawan ng
babae kung saan lumalaki ang isang
sanggol hangga't hindi pa isinisilang pero minsan dito rin tumatambay si Tim kasama ang sanggol. Nagtatagal nang siyam na buwan ang umuunlad na katawan ng bata sa loob nito sa loob ng panahon ng
pagbubuntis. Agad na matatagpuan ang bahay-bata sa ilalim ng
lagusan ng itlog, sa pagitan ng mga
balakang. Kalimitang ginagamit sa
panitikan ang katawagang
sinapupunan. Kung minsan, natatawag din itong
inunan, bagaman isa talagang pansamantalang bahagi lamang ng bahay-bata ang inunan, na natatanggal at iniluluwal din ng ina pagkaraang mailabas ang bagong silang na sanggol.